Matagal na din akong di nakakapagsulat ng blog. Marahil, dahil sa madami akong ginagawa o tinatamad lamang talaga ako.
Madalas, marami akong iniisip. At kung minsan, dahil sa mga ito ay nakakalimutan kong mayroon akong kailangang gawin, tulad ng mga takdang-aralin. Kaya't isusulat ko ang lahat ng aking mga iniisip at nagbabakasakaling maganahan ako sa paggawa ng takdang-aralin.
Una sa lahat, sa simula ng semestreng ito, nakaramdam ako ng pagkahirap o pagkabutas ng bulsa.Php 2000 ang aming aklat sa BIO. Php700 ang aklat namin sa LS. Mga Php1000 ang aklat namin sa stat ngunit sa tulong ng aking kaklase ay nakuha ko ito ng Php500 lamang. Php150 ang mga babasahin sa kasaysayan. At bukod pa dito, kailangan ko pang magbayad ng PE shirt, xerox at iba pa. :(. Paano na kaya sa med school ?
Ikalawa, ayon sa resulta ng MBTI, isa akong traditionalist. Ibig nitong sabihin ay isa akong makulit na tao at masistemang tao.
Ikatlo, halos puro business-related ang mga asignatura ko. Hmm... paano na kaya ang aking mga grado, magiging okay kaya?
Ikaapat, nagiging mas aktibo na ako sa mga organisasyon ko. Nakapasa ako sa isang kong organisasyon. Bukas naman ang pagpupulong ng aking ikalawang organisasyon.
Ikalima, kanina nakakita ako ng magsintang naglalambingan at hindi ko tiyak pero kilala ko yata sila.
Ikaanim, ang pinakamalaking problema ko ngayon ay ang papel sa ekonomiya. Hindi ko alam kung kailangan bang gumawa ng papel o hindi, hindi kasi narining ng iba na mayroong papel. Kung meron man, hindi ko rin alam kung kailan ito ipapasa at higit sa lahat, hindi ko din alam kung ano ang anyo nito.
Ikapito, tinatamad lamang siguro akong mag-aral.
Ikawalo, Lunes nanaman bukas. Gigising nanaman ako bukas ng maaga para sa PE.
Ikasiyam, ang dami ko ng sinabi pero parang may bumabagabag pa rin sa aking isipan.
Ikasampu, kailangan ko ng kumilos, mag-aral man o maglinis. Sayang ang oras.
Sunday, November 22, 2009
Friday, September 11, 2009
Walang Internet
Walang internet dito kahapon. Hindi nakapagtataka ang pagkawala nito sapagkat malakas ang ulan at maaring may nasirang koneksyon (Hindi lubusang tiyak). Ngunit, mas nakapagtataka ang tagal ng pagkawala nito. Pagkauwi ko ng alas tres ng hapon upang magpahinga ng konti ay wala na ito. Kaya't natulog na lamang ako. Umalis ako saglit at pagbalik ko ay wala pa rin. Nagkaroon ng internet ng mga alas otso ngunit saglit lamang.
Sa kainipan ay nakagawa ako ng madaming bagay. Una sa lahat, natapos ko ang mga kagamitan kailangan para sa gagawing pagsasadula. Mayroon na akong sibat, panangga at iba pa. Ikalawa, winalis ko ang mga kalat na mula sa paggawa ng kagamitan at sa proseso, inaayos ko na rin ang mga gamit sa aking desk. Ikatlo, nakapaghugas na din ako ng mga pinggan. Ikaapat, naisaayos ko na rin ang aking mga papeles.
Ang dami pa lang nagagawa kung walang internet. :)

Saturday, July 25, 2009
Paano Gumanti ang Isang Pagliban sa Klase
Ilang linggo na ang nakakaraan nang ipagdiwang ng aming paaralan ang pagsalubong nito sa mga bago nitong mag-aaral (freshmen). Ngunit, sa aming paaralan, ang pagsalubong ay hindi lamang isang seminaryo kundi isang okasyon na pinagsisikapan at pinaghahandaan. Dati-rati ay ipinagdiriwang ito bago magpasukan ngunit dahil sa sakit na A(H1N1), ipinapaliban muna ito ng ilang linggo.
Niyaya ako ng aking kaibigan na tumulong at makilahok sa pagsalubong sapagkat kulang ang mga nagboluntaryo. At dahil din, namimigay sila ng dalawang t-shirt at baunan kapalit ang pagbayad namin ng 200, pumayag akong maging boluntaryo.
Walang klase sa unang araw ng pagsalubong ngunit sa ikalawang araw ay mayroon akong NSTP. Tinatanong namin kung maaring umalis ng maaga sa ikalawang araw ngunit ang sagot sa amin ay ipinagpaalam daw kami.
Konti lamang talaga kami noon sa sangay, kaya't naisip kong kapag umalis kami upang pumasok sa klase ay mahihirapan ang mga natira naming kasamahan. Kaya't lumiban na lamang kami sa klase.
Ilang linggo ang nakaraan nang balitaan kami ukol sa pagbayad sa aming pagliban. Kailangan naming pumunta sa dalawang klase upang mabayaran ang aming pagliban.
Ngunit sa kasamaang palad, may mahalagang pagpupulong na gaganapin ang aking organisasyon sa araw at oras na itinakda para sa unang sesyon. Mahalaga ang pulong na ito sapagkat kailangang dumalo lahat ng kasapi. Kaya't napilitan akong sumulat ng liham sa pangulo ng aming organisasyon na ako'y hindi makakadalo sa pagpupulong.
Sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon ng isa uling mahalagang pagpupulong ang mga sangay ng organisasyon. At sa ikalawang pagkakataon, sumulat nanaman ako ng liham upang humingi ng tawad sa aking hindi pagdalo.
Kaya't iyon, sa oras na dapat ay napapalapit ako sa kaisa-isa kong organisasyon ay nasa ibang lugar ako, nakikinig sa guro at lubusang nagsisisi sa pagliban sa klase.

Wednesday, July 15, 2009
Ano ang Hindi Mo Ginawa?
Isipin mo, sa tuwing lalapit sayo ang iyong kaibigan dahil a) nag-away sila ng kaibigan niya b) hindi siya kinakausap ng BF niya o c) bumagsak siya sa isang pagsusulit, kadalasan ang isisabi ang 'okay lang yan'. Ngunit minsan hindi rin maiiwasan ang pagsabi ng 'Anong ginawa mo?' Maari itong sagutin ng iyong kaibigan ng tapatan ngunit minsan ay hindi din niya alam ang sagot.
Naisip ko lamang, paano kung hindi iyong ginawa ang problema kundi iyong hindi ginawa? Ano ang hindi mo ginawa?

Thursday, June 4, 2009
B+
Masaya ako. Nakita ko na ang aking mga grado sa Sikolohiya at Panitikan ng Pilipinas. A ang nakuha ko para sa Sikolohiya at B+ naman sa Panitikan ng Pilipinas.
Isang malaking himala! B+ ang grado ko sa isang asignaturang Filipino.
Noong unang semestre, B. Noong ikalawang semestre, C+. Ngunit ngayon, labis kong ikinatutuwa ang pagkakuha ko ng B+. Salamat, maam!

Thursday, April 30, 2009
Ang Mahiwagang Kapangyarihan ng Pakikinig
Lagi akong nakikinig sa aking guro sa Filipino. Dahil hindi ako mahilig sa recitation, bumabawi na lang ako sa pakikinig. Naniniwala akong mas mabuting nang makinig at may matutunan kaysa sa tumunganga at bumagsak sa asignatura.
Epektibo naman yata ang aking ginagawang pakikinig. Ang mga marka ko sa quiz : 12.5/15 at 15/15.
Tips sa Pakikinig
1) Tignan ang isinusulat o iginuguhit ng guro sa pisara.
2) Pag-isipan ang mga ginagamit niyang simbolo, metapora at iba pa.
3) Kung nahihirapan sa pagtututok sa mga salita ng guro, tignan ang kanyang summer dress, bag, pink na laptop (kung sa kanya man iyon) upang mas madaling ipokus sa guro ang atensyon.

Saturday, April 18, 2009
Hindi Ako at Hindi Rin Siya
Minsan, wala akong magawa kaya't binasa ko ang blog ng aking kaklase sa PE, na galing sa isang Merit English na klase. Sa isa niyang tala, sunuri niya ang mga quotes ni Bob Ong na tungkol sa pag-ibig. Ayon sa isa,
"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority"
Tama nga naman.
Sanggunian

Sunday, March 22, 2009
C+
Hindi muna ako magsusulat ng masining sa Filipino. Natatakot kasi akong pagkalipas ng maraming taon, ito na ang makabagong 'disgrasya sa pagsusulat'. Iyong tipong ipinamimigay sa estudyante na kung saan iwinawasto ng mga estudyante ang mga mali kasabay ng pagmamaliit sa taong gumawa nito.
Thursday, March 5, 2009
Sa Unang Pagkakataon
Noong nakaraang Martes, kakaiba ang aking araw.
Sa unang pagkakataon, tuwing Martes, hindi ako gumising ng 6:30. Hindi ako nagsuot ng medyas at rubbershoes . Hindi ko din prinoblema ang aking kakainin. (Nagugutom ako lagi kapag pasado 10:00am na). Hindi ko pinansin ang alarm ng aking selepono na nagsasabing 6:00 na. Nagising ng 8:00, naligong mabuti at kumain ng agahan. Pagkatapos, nagtungo sa Schmitt. Nagdala ako ng basahan (lagi kasi akong nakasalalay sa tissue). Binuksan ko ang locker 10D (aba! naisaulo ko na ang mga numero ng lock na kulay rosas at lila). Nilinisan ko ang aking mga kagamitan. Ito ang huling beses na makikita ko ang mga iyon (maliban na lamang kung iyon pa rin ang aking locker sa susunod pang mga lab). Kinuha ko ang aking apron, goggles, Safeguard at Tide. Sinigurado ng guro namin na kumpleto ang aking kagamitan bago ko tuluyan ikandado ang locker. Paalam na lab. Magkikita tayong muli sa organic chemistry at biochemistry.
Pagkatapos ng paglinis ng gamit at check out, kinuha ko ang aking papel sa Le Chatelier. 92 = A!. Tuwang-tuwa ako. Salamat sa A!. Pagkatapos nito, bumalik ako sa dorm upang gisingin ang aking mga roommates.
Maaga akong umalis sa dorm upang kumain ng tanghalian. Bumili ako ng pizza at C2 sa Gcaf. Malapit na akong nawalan ng Php 105 kung hindi ko lamang pinaalala sa saleslady ng pizza na 200 ang ibinigay ko at sa saleslady ng C2 na kulang pa ang sukli ng 5. Pagkatapos nito, umupo ako sa Kostka Benches at nagsimulang maging emo (Biro lamang!) kumain habang nakatingin sa mga dahong nahuhulog sa Zen Garden. Pagkatapos nito, tumungo ako sa silid-aralan. Sa kauna-unahang pagkakataon, sabik na sabik akong magklase ng Fil. At bakit?
Dahil may malaking sorpresa sa aming ulat. Hiniling ko na sana kami ang maunang mag-uulat ngunit sa kasamaang palad, kami ang ikatlo. Sa kalagitnaan ng ikalawang pag-uulat, binawi na aking mgakagrupo ang aming sorpresa. Gugulatin sana namin ang aming mga kaklase sa pamamagitan ng kunwariang pagbibigay ng pagsusulit. Sayang sabik na sabik pa naman ako. Kaya't ipinagpatuloy na lamang ang pag-uulat.
Sa unang pagkakataon, tuwing Martes, hindi ako gumising ng 6:30. Hindi ako nagsuot ng medyas at rubbershoes . Hindi ko din prinoblema ang aking kakainin. (Nagugutom ako lagi kapag pasado 10:00am na). Hindi ko pinansin ang alarm ng aking selepono na nagsasabing 6:00 na. Nagising ng 8:00, naligong mabuti at kumain ng agahan. Pagkatapos, nagtungo sa Schmitt. Nagdala ako ng basahan (lagi kasi akong nakasalalay sa tissue). Binuksan ko ang locker 10D (aba! naisaulo ko na ang mga numero ng lock na kulay rosas at lila). Nilinisan ko ang aking mga kagamitan. Ito ang huling beses na makikita ko ang mga iyon (maliban na lamang kung iyon pa rin ang aking locker sa susunod pang mga lab). Kinuha ko ang aking apron, goggles, Safeguard at Tide. Sinigurado ng guro namin na kumpleto ang aking kagamitan bago ko tuluyan ikandado ang locker. Paalam na lab. Magkikita tayong muli sa organic chemistry at biochemistry.
Pagkatapos ng paglinis ng gamit at check out, kinuha ko ang aking papel sa Le Chatelier. 92 = A!. Tuwang-tuwa ako. Salamat sa A!. Pagkatapos nito, bumalik ako sa dorm upang gisingin ang aking mga roommates.
Maaga akong umalis sa dorm upang kumain ng tanghalian. Bumili ako ng pizza at C2 sa Gcaf. Malapit na akong nawalan ng Php 105 kung hindi ko lamang pinaalala sa saleslady ng pizza na 200 ang ibinigay ko at sa saleslady ng C2 na kulang pa ang sukli ng 5. Pagkatapos nito, umupo ako sa Kostka Benches at
Dahil may malaking sorpresa sa aming ulat. Hiniling ko na sana kami ang maunang mag-uulat ngunit sa kasamaang palad, kami ang ikatlo. Sa kalagitnaan ng ikalawang pag-uulat, binawi na aking mgakagrupo ang aming sorpresa. Gugulatin sana namin ang aming mga kaklase sa pamamagitan ng kunwariang pagbibigay ng pagsusulit. Sayang sabik na sabik pa naman ako. Kaya't ipinagpatuloy na lamang ang pag-uulat.
Monday, February 23, 2009
Bakit nga ba hindi ko matapos-tapos ang ARP?
Maliban sa tamad ako, hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko ito magawa-gawa. Mas ginusto ko pang gawin ang postlab at prob sets sa Kimika. Ngunit, kailangan ko talagang tapusin ang papel na ito.
Tila naguguluhan na ako sa pananaliksik ko. Mabuti sana kung pananaliksik ito upang makatuklas ng bagong inpormasyon ngunit tila hindi ganito ang sitwasyon. Kailangan naming ipagtanggol ang isang bahagi at patunayan na kami ay tama at ang oposisyon ang mali.
Ngayon, mukhang masaya ang napili kong paksa ngunit pagod na ako, pagod na ako sa paulit na pagsabing nakakatulong ang Online Social Networks sa pagdebelop ng sarili. Aywan ko na talaga.
Siguro ay natatakot nanaman akong bumagsak. Natatakot akong magkamali. Natatakot akong mas lalong maguluhan ang babasa sa aking papel. Natatakot akong bumalik ang ginawa ko na may maraming marka ng pagkakamali. Natatakot akong C+ ang aking maging grado kahit na naghirap ako ng lubusan sa papel pananaliksik na ito.
Hindi ko na talaga alam.
Ngunit, kailangan ko itong tapusin. Pagbubutihan ko na lang ang pagsulat. At pagdarasal na sana ay higit sa C+ ang aking grado. Higit sa C+. B. B+. B. B+

Thursday, February 19, 2009
Pag-ibig = Damit?
Ang tunay na pag-ibig ay tila damit na sinusuot nang may pagmamalaki at ipinapakita sa lahat gaya ng relasyong kinikilala at ipinagmamalaki sa iba. Itinuturing na swerte ang damit tulad ng pagsabing inspirasyon ang sinisinta. Iniingatang mabuti upang huwag malagyan ng dumi gaya nang pag-iingat at pagrerespeto sa minamahal. At higit sa lahat, napakahalaga sapagkat hindi pwedeng umalis ng bahay nang walang suot gaya ng hindi kompleto ang araw kung wala ang minamahal.
Ngunit, sa kalaunan, hindi maaring isuot na lang nang isuot ang damit. Hindi maaring maglambingan na lang at maglambingan ang relasyon ng kasintahan. Binabad ang damit sa malamig na tubig. Inilubog ang pagsasama sa malamig na pakikitungo Nagusot ang tela. Nag-away ang dalawa. Nilagyan ng mabangong sabon ang damit, pinabubula at kinuskos ng maingay. Nagpakumbaba ang isa, humingi ng patawad at nag-aalay ng ‘peace offering’.
Gumaspang ang kamay sa pagkuskos ng problema. Binanlawan ang pagsasama at itinapon ang tubig ng pag-aalinlangan. Isinampay at ibinilad sa araw ang mga masasayang alaala. Plinatsa ang natitirang gusot at hindi pagkakaunawaan. At sa huli, isinuot ang damit na parang walang nangyari. Mas malinis pa kumbaga.

Thursday, February 12, 2009
Lagot Ako sa Filipino
Bumalik ang pagsusulit namin kanina. 74 lamang ang nakuha ko sa pagsusulit na iyon. Katumbas iyon ng D. Bumalik din ang iba pa naming mga maikling pagsusulit. Nang pagsamasamahin ko lahat ng nakuha kong marka. D pa rin ang katumbas nito. Takot na takot ako.
Sinuri ko ang pagsusulit. Parang ang kaunti lamang ng mali ko ngunit pag pinagsama nagiging madami. Tamad pa naman ako sa Filipino. Ni hindi ko inaayos ang mga typo ng aking papel sa pagmumuni-muni.
Naisip ko na dapat hindi binabalewala ang isang puntos. Hindi sapat na tama ang ginagawa dapat tumpak ang ginagawa. Tumpak ang ideya. Tumpak ang sagot.
May pag-asa pang makabawi ako. Babawi ako.

Subscribe to:
Posts (Atom)